![]()
Isusumite ng Department of Agriculture (DA) sa Malakanyang ang kanilang opisyal na rekomendasyon sa pagtatakda ng 50 pesos per kilo na price cap sa imported na bigas, ngayong araw.
Ito’y matapos ma-monitor ng ahensya ang “unreasonable” increase sa presyo ng imported rice, na tila pagsasamantala sa global oil shock situation sa gitna ng gulo sa Middle East.
Sinabi ni D-A Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ilang retailers ang nagbebenta ng imported na bigas sa halagang 55 hanggang 58 pesos per kilo.
Kabilang sa interventions ng ahensya para maiwasan ang price shock ay gawing available sa 45 hanggang 48 pesos ang kada kilo ng bigas sa iba’t ibang palengke.
Sa ngayon, ayon sa kalihim, available na ito sa 36 markets sa Metro Manila, at palalawakin pa nila ito sa Metro Cebu.
