![]()
Kinitigan ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang pagpapatuloy ng paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte.
Dismayado si Rodriguez sa legal team ni VP Duterte na binubuo ng 16 lawyers na sinabi naman nitong pawang magagaling.
Sa pag-review umano niya sa Consolidated Verified Answer, hindi isa-isang sinagot ang aligasyon sa limang grounds na nakapaloob sa 3rd impeachment complaint.
Aniya, walang direct answer sa five grounds, kaya obligasyon ng komite na ipagpatuloy ang pagdinig para mai-determine ang sufficiency in grounds.
Binigyan-linaw naman ni Justice Panel chairperson Gerville Luistro na nasa ikatlong bahagi na sila ng proseso, at ito ay sa pagde-determine kung may sapat na grounds ang dalawang complaints para magkaroon ng proper hearing.
