dzme1530.ph

PAGTATATAG NG GOVERNMENT-OWNED CRUDE OIL TANK STORAGE FACILITY, IGINIIT SA SENADO

Loading

ISINUSULONG ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero ang panukalang magtatatag ng government-owned crude oil tank storage facility upang matiyak ang fuel security sa bansa.

 

Sa kanyang Senate Bill 1993, sinabi ni Escudero na nasa 90 hanggang 95 percent ng pangangailangang crude oil at refined petroleum ay iniimport kaya’t bulnerable ang bansa sa external shocks.

 

Binigyang-diin ng senador na ang patuloy na tensyon sa Middle East ay nagdudulot ng unpredictable price movements at supply risk sa Asya.

 

Alinsunod sa panukala, magtatatag ng crude oil tank farm na maaaring mag-imbak ng 90 hanggang 180 days na suplay ng langis na aabot sa P30 billion hanggang P60 billion ang halaga.

 

Nakasaad sa panukala na maglalaan ng P60 billion na inisyal na pondo para sa construction ng fuel reserves facility.

 

Nakasaad din sa panukala ang pagtatatag ng Targeted Fuel Relief Program upang palawain nag direct cash assistance o fuel vouchers sa mga sektor na apektado ng pagtaas presyo ng produktong petrolyo.

About The Author