![]()
Sisimulan na ng House Committee on Justice ang hearing proper para sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte sa March 25.
Ito ang kinumpirma ni committee chairperson at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro makaraang i-adopt ang resolution para sa go-signal na ipagpatuloy ang pagdinig kahit naka-recess ang Kongreso.
Suspendido ang sesyon ng Kamara at Senado mula March 21 hanggang May 3.
Kasama na sa inaasahang mangyayari sa March 25 ang presentasyon ng mga ebidensya at mga testigo.
Itinakda naman ang mga susunod na pagdinig sa April 14, 22 at 29.
Ipinaliwanag ni Luistro na itinakda na nila ang mga pagdinig upang makapaglano na rin ang mga miyembro ng komite at matiyak ang pagdalo nila sa hearings.
