dzme1530.ph

LABAN TNVS, NAKUKULANGAN DIN SA DAGDAG NA BENTE PESOS NA FARE HIKE

Loading

Iginiit din ng Laban TNVS na hindi sasapat ang bente pesos na dagdag pasahe para makagapay sila sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

Ayon kay Laban TNVS president Jun De Leon, labis-labis na ang pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel sa mga nakalipas na linggo kaya’t hindi na nakatutugon ang inaprubahang taas sa pamasahe.

 

Ipinaliwanag ni De Leon na sa loob ng 18 oras na biyahe, tatlong daang piso na lamang ang naiuuwi ng mga TNVS drivers.

 

Nasa 500 pesos anya ang arawang kitang nawawala sa mga driver dahil sa mataas na presyo ng petrolyo.

 

Maging ang limang libong pisong ayuda anya para sa TNVS drivers ay hindi sapat para tugunan ang kanilang pangangailangan.

About The Author