dzme1530.ph

PANUKALA PARA SA SUPPLEMENTAL BUDGET PARA SA AYUDA, ISINUSULONG SA SENADO

Loading

INIHAIN ni Senador Risa Hontiveros ang panukala na naglalayong dagdagan ang pondo para sa ayuda ng gobyerno sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

Sa Senate Bill 1986, iginiit ni Hontiveros ang pangangailangan ng P52 billion na supplemental budget. P12 billion sa naturang halaga ay ipinalalaan sa fuel subsidy sa transport sector; P2.8 billion sa subsidiya sa mga magsasaka at mangingisda; P18 billion para sa emergency repatriation ng mga OFWs at P20 billion para sa reintegration program ng mga OFWs na apektado ng sigalot sa Middle East.

 

Posibleng pagkunan ng pondo ang P70 billion na alokasyon sa nakanselang flood control projects at iba pang proyekto noong nakaraang taon at ang nakolektanng buwis na lagpas sa inaasahan.

 

Maaari rin anyang magtapyas ng P17.5 billion sa hosting ng bansa sa ASEAN Summit ngayong taon. Hiling ni Hontiveros na isabay ito sa pagpapatibay ng emergency power sa Pangulo para suspindihin o bawasan ang excise tax sa petrolyo.

About The Author