![]()
Nangako ang mga manufacturer ng basic at prime commodities na pananatiliin nila ang kasalukuyang presyo para sa susunod na 30 days, sa gitna ng epekto ng mas mataas na oil prices.
Sa news release na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) kagabi, nakipagpulong Secretary Ma. Cristina Roque sa 21 manufacturers.
Dinaluhan ang meeting ng mga nasa production ng canned sardines, tinapay, bottled water, instant noodles, kape, canned meat, toilet soap, at kandila.
May mga brand din na nagsabing hindi sila magtaas ng presyo sa susunod na 60 days.
Inihayag ni Roque na bagaman kinikilala nila ang pinansyal na problemang kinakaharap ng consumers ay batid nila ang cost pressures ng manufacturers.
Nananatili aniyang prayoridad nila na matiyak ang patas at makatarungang presyo.
