dzme1530.ph

MAHIGIT 400 KATAO, PATAY SA PAG-ATAKE NG PAKISTAN SA ISANG REHAB CENTER SA AFGHANISTAN

Loading

Mahigit 400 katao ang nasawi habang 256 na nasugatan sa airstrike ng Pakistan sa isang drug rehabilitation center sa Kabul, ayon sa tagapagsalita ng Afghan Taliban government.

 

Itinanggi naman ng Pakistan ang paratang, sa pagsasabing eksakto nilang tinarget ang military installations at mga imprastraktura na sinusuportahan ng mga terorista.

 

Nangyari ang airstrike matapos sabihin ng China na handa nilang ipagpatuloy ang mga hakbang upang humupa ang tensyon sa pagitan ng South Asian Islamic nations.

 

Hinimok din ng Beijing ang dalawang bansa sa iwasang palakihin ang gulo at bumalik na sa negotiating table.

 

Ang kaguluhan na nagsimula noong nakaraang buwan ang itinuturing na pinakamalala sa pagitan ng magkapitbahay na bansa, na naghahati sa 2,600 kilometers na border.

About The Author