![]()
Inendorso na ng Department of Justice (DOJ) sa Ombudsman ang kanilang findings sa malversation complaints na inihain laban kay Sen. Joel Villanueva kaugnay ng umano’y ghost flood control projects.
Gayunman, tumanggi si DOJ spokesperson Polo Martinez na isiwalat ang mga rekomendasyon ng prosecutors para sa tatlong kaso na opisyal na aniyang na-endorso sa Ombudsman.
Binigyang-diin ni Martinez na na-deputate lamang ang DOJ na magsagawa ng preliminary investigation para sa complaints, subalit pagkatapos nito ay kailangan itong mai-transmit sa Ombudsman.
Si Villanueva ay respondent sa tatlong complaints hinggil sa umano’y ghost flood control projects sa Bulacan na kinasasangkutan ng mga kumpanyang Wawa Builders at Topnotch Catalyst Builders Inc.
Ang mga reklamo ay para sa malversation, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, direct bribery, corruption of public officials, at umano’y paglabag sa Government Procurement Act.
