![]()
Pinulaan ni Manila Cong. Joel Chua ang isinumiteng Verified Answer ni Vice President Sara Duterte sa Committee on Justice.
Ayon kay Chua, bigong komprontahin ng Bise Presidente ang seryosong isyu na nakapaloob sa impeachment complaints, sa halip ginawa ito para hindi masuri ang mga ebidensya.
Puna ni Chua, chairman ng Committee on Good Gov’t and Public Accountability, sa halip na sagutin ang substance ng akusasyon, ang isinumiteng pleadings ay tumuon lamang sa teknikalidad para sa maagang dismissal ng kaso.
Hindi umano ito ang layunin ng Answer sa impeachment rules. Ang Answer o reply ay dapata sinasagot ng ‘head-on’ ang bintang, at hindi ang i-shut down ang proseso ng hindi nasusuri ang ebidensya.
Dahil dito mas naging kailangan umanong buksan at suriin ang mga impormasyon, potential witnesses at financial records ng under oath.
