dzme1530.ph

DISTRIBUSYON NG AYUDA SA MGA DRIVER SA MGA LALAWIGAN, SISIMULAN MATAPOS ANG SEMANA SANTA

Loading

Nangako ang Department of Social Welfare and Development na sisimulan nila pagkatapos ng Semana Santa ang distribusyon ng cash subsidy sa driver sa mga lalawigan.

 

Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, target nilang tapusin ang pamamahagi ng ayuda sa Metro Manila hanggang sa susunod na linggo.

 

Ipinaliwanag ng DSWD Secretary na kaparehong proseso ang kanilang gagawin.

 

Sisimulan ang distribusyon sa mga tricycle drivers at saka isusunod ang mga motorcycle, taxi, delivery services, transportation network vehicle services at mga jeep.

 

Una nang inihayag ng kalihim na 30 billion pesos na bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation ang target nilang ipamahaging cash aid sa mga labis na apektado ng oil price hike.

About The Author