dzme1530.ph

MAY SIDE EFFECT NGA BA ANG LOSARTAN? ALAMIN

Loading

Losartan ang madalas na inirereseta sa mga taong may hypertension o kaya naman may chronic kidney disease at diabetes mellitus.

 

Pinapaluwag nito ang ugat at nagpapababa ng blood pressure.

 

Subalit, isa sa common side effect nito ay ang pagkahilo o dizziness, lalo na kung madalas—mabilis kang tumatayo mula sa pagkahiga o pagkaupo.

 

Bukod dito, maaari rin itong magdulot ng pagtaas ng potassium o ang tinatawag na hyperkalemia.

 

Kaya sa mga umiinom ng losartan bilang maintenance, mahalaga ang regular na blood test upang malaman ang epekto nito sa katawan.

 

Kung madalas na rin ang pagkahilo, makabubuting magpasuri sa inyong doktor.

About The Author