dzme1530.ph

PANUKALA PARA SA LIBRENG FINANCIAL EDUCATION SA OFWs AT KANILANG PAMILYA, APRUB NA SA SENADO

Loading

INAPRUBAHAN na sa 3rd and final reading sa Senado ang panukalang magbibigay ng libreng financial education sa mga Overseas Filipino Worker (OFWs) at kanilang pamilya.

 

Layun ng Senate bill 1910 o ang panukalang Free OFW Financial Education Act na matulungan ang mga OFW na maayos na mapamahalaan, mapalago, at maprotektahan ang kanilang pinaghirapang kita.

 

Alinsunod sa panukala, isasama ang financial literacy seminars sa mga orientation program ng OFWs tulad ng Pre-Departure Orientation Seminar, Post-Arrival Training Seminar, at Pre-Migration Orientation Seminar, pati sa mga learning session para sa kanilang pamilya. Tatalakayin sa mga libreng seminar ang money management, pag-iinvest, consumer protection, at entrepreneurship.

 

Magkakaroon din ng online access sa financial advisors at certified counselors para matulungan ang mga OFW at kanilang pamilya saan man sila naroroon.

 

Ayon kay Senate Committee on Migrant Workers Chairman Senador Raffy Tulfo, mahalagang mabigyan ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera ang mga OFW.

 

Igiiniit ni Tulfo na sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kaalamang pinansyal ay mabibigyan sila ng kakayahang gumawa ng matalinong desisyong pinansyal, makakaiwas sa mga financial scam, makakapamuhunan ng wasto at makakabuo ng financial security para sa kanilang pamilya.

About The Author