![]()
Dumanas ng drone attacks ang Fujairah na pinakamalaking port at oil storage facility sa United Arab Emirates (UAE) at International Airport sa Dubai.
Sa gitna ito ng patuloy na pagtarget ng Iran sa Gulf transport at oil infrastructure.
Pansamantalang sinusspinde ang flights kahapon matapos sumiklab ang sunog malapit sa airport, kasunod ng “drone-related incident.”
Nagkaroon din ng sunog matapos ang drone attack sa mahalagang port at industrial zone sa Fujairah.
Inihayag ng Defence Ministry na na-intercept ng UAE Air Defence Systems ang anim na ballistic missiles at 21 drones kahapon.
