dzme1530.ph

HINAING NG ILANG KASAPI NG NUP, PINAHAHALAGAHAN NG LIDERATO NG KAMARA

Loading

Nanindigan si House Senior Deputy Speaker Ferdinand Hernandez na ‘firm’ si Speaker Faustino Bojie Dy III sa transparency, accountability, at constructive engagement sa lahat ng kasapi ng Kamara.

 

Ayon kay Hernandez, kinikilala at pinahahalagahan ng House leadership ang inilabas na hinaing ng ilang kasapi ng National Unity Party (NUP).

 

Nananatili umano si Speaker Dy sa “open-door policy” niya sa lahat ng miyembro, ano man ang party affiliation o posisyon, sa pamamagitan ng constructive dialogue.

 

Gayun pa man, mahalaga umanong ilagay sa proper context ang isyu ng NUP, dahil ang timing ng release at implementation ng budget allocations ay dumadaan sa proseso ng bawat government agency at wala sa kamay ng House leadership.

 

Ngayong may economic pressures dahil sa global uncertainties, mahalaga na sama-sama umano silang magtrabaho, lalo pa at nagkakaisa ang Mababang Kapulungan upang pagtibayin ang legislative agenda ngayong 20th Congress sa pamumuno ni Speaker Bojie Dy III.

About The Author