dzme1530.ph

PAGTATAAS NG SINGIL SA KURYENTE, DAPAT GAWING UNTI-UNTI

Loading

UMAPELA si Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na tiyaking ang anumang pagtaas sa singil sa kuryente ay ipatutupad nang pautay-utay o staggered basis.

 

Ito ay upang maprotektahan ang mga mamimili mula sa biglaan at matinding financial distress. 

 

Binigyang-diin ni Gatchalian, vice-chairperson ng Senate Committee on Energy, na dapat bantayang mabuti ng ERC ang mga rate ng kuryente at ipagbawal ang mga biglaang malakihang dagdag-singil dahil nahihirapan na ang mga konsyumer sa mataas na gastusin sa pang-araw araw.

 

Ipinaliwanag ng senador na  ang paunti-unting pagtaas sa singil sa kuryente sa loob ng ilang billing cycle ay makatutulong upang maibsan ang epekto nito.

 

Iginiit ni Gatchalian na dapat manatiling mapagmatyag ang ERC sa pagtiyak na walang hindi nararapat na pagtaas sa singil sa kuryente na maidaragdag sa pang-araw-araw na pinansyal na pasanin ng mga ordinaryong mamimili.

 

Bagama’t nalimitahan ang pakikialam ng gobyerno sa pagtatakda ng presyo ng kuryente sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001, sinabi ni Gatchalian na maaari pa ring mamagitan ang pamahalaan sakaling magkaroon ng kakulangan sa supply.

About The Author