![]()
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na ligtas ang mga Filipino crew members na lulan ng dalawang barkong naglalayag sa Persian Gulf malapit sa Strait of Hormuz.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, tatlong barko ang iniulat na tinamaan ng projectiles subalit dalawa lamang sa mga ito ang may Filipino crew members.
Sinabi ni Cacdac na ang isang barko ay may 21 Filipino crew, habang ang isa naman ay may 17 Filipino crew na pawang ligtas ang kalagayan.
Tiniyak din ng kalihim na patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon ng mga Pinoy seafarers sa Middle East.
Nasa 7,313 Filipino seafarers ang kasalukuyang naka-deploy sa Middle East at sinasabing nasa ligtas na sitwasyon.
