![]()
Pinalagan ni Vice President Sara Duterte ang walang pahintulot na paggamit sa larawan ng kanyang menor de edad na anak para magpalaganap ng maling impormasyon.
Binigyang diin ni VP Sara na kailanman ay hindi niya ginamit ang kanyang mga anak para isulong ang kanyang interes.
Idinagdag ng bise presidente na mahigpit din niyang pinagbabawalan ang kanyang mga anak na makisali sa mga usaping pulitika sa labas ng kanilang tahanan.
Nanawagan din si Duterte na huwag hayaan magamit ang mga bata sa pagpapakalat ng fake news sa, aniya, maruming mundo ng pulitika.
