dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, TIWALANG MAY ADVANTAGE ANG PILIPINAS SA INAASAM NA NON-PERMANENT SEAT SA UN SECURITY COUNCIL

Loading

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may bentahe ang Pilipinas sa hangaring makakuha ng non-permanent seat sa United Nations Security Council.

Sa press conference, sinabi ng Pangulo na ang advantage ng Pilipinas ay ang matatag na record ng partnership sa UN sa matagal na panahon.

Aniya, ang kontribusyon ng Pilipinas sa United Nations ay higit pa sa sariling interest, kasabay ng pagtukoy sa papel ng bansa sa peacekeeping missions at sa iba pang malalaking global issues.

Naniniwala si Marcos na may maiaambag pa ang Pilipinas kung makakakuha ng isang seat sa Council.

Target ng Pilipinas na makakuha ng non-permanent seat sa UN Security Council para sa 2027 to 2028 term, at ang eleksyon ay gaganapin sa June 3, 2026.

About The Author