dzme1530.ph

TIEZA, UMAPELA SA SENADO NA SA SUSUNOD NA TAON NA IPATUPAD ANG PAG-ABOLISH SA TRAVEL TAX

Loading

Umapela ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa Senado na, kung maaari, ay sa Enero 2027 na ipatupad ang pag-abolish sa travel tax.

 

Sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means, sinabi ni TIEZA Chief Operating Officer Mark Lapid na kakapusin sila sa budget kapag ihihinto ang travel tax collection sa kalagitnaan nitong taon.

 

Ayon kay Lapid, 90 percent ng pasweldo sa 305 na kawani ng TIEZA ay nagmumula sa travel tax.

 

Binigyang-diin naman nito na suportado nila ang panukalang abolition sa nasabing buwis.

 

Tiniyak naman ni Senator Pia Cayetano, chairman ng komite, na bagamat prayoridad nila ang panukala, maingat naman nilang pinag-aaralan ang epekto nito.

About The Author