dzme1530.ph

BICOL MEDICAL CENTER, INILUNSAD ANG ‘EXCIMER LASER’ PARA SA MALALANG SAKIT SA BALAT

Loading

Inilunsad ng Bicol Medical Center o BMC ang kauna-unahang ‘excimer laser’.

 

Isa itong bagong kagamitan para sa mga pasyenteng may autoimmune skin conditions.

 

Ang ‘excimer laser’ ay magagamit sa paggagamot sa psoriasis, vitiligo, atopic dermatitis at alopecia areata na nagiging sanhi ng pagkakalbo.

 

Ayon kay Dermatology Department Chairperson Dr. Marilou Sarmiento, ang ‘excimer laser’ ay naka-pokus sa mga apektadong bahagi nang hindi nadadamay ang healthy skin.

 

Layunin ng anya nitong ibalik ang self-esteem ng mga pasyenteng madalas nakakaranas ng stigma dahil sa kondisyon ng kanilang balat.

About The Author