dzme1530.ph

PAGPAPABABA SA INDIVIDUAL INCOME TAX PARA TUMAAS ANG TAKE HOME PAY NG MGA MANGGAGAWA, ISINUSULONG SA SENADO

Loading

ISINUSULONG Ni Senador Jinggoy Estrada ang panukalang ibaba ang individual income tax rates upang magdagdagan ang ‘take-home pay’ ng mga low at middle-income earners.

 

Sinabi ni Estrada na layon ng Senate Bill 1685 na matulungan ang mga manggagawa na makaagapay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. 

 

Binigyang-diin ng senador na kapag mas malaki ang natitira sa sahod, mas nakakagastos ang pamilya, mas umiikot ang pera sa ekonomiya, at mas gumaganda ang kalidad ng buhay.

 

Kailangan anyang iparamdam ang tunay na benepisyo ng mga tax reform sa mga manggagawa na magdudulot ng mas malaking take-home pay 

 

Sa panukala, nais ni Estrada na amyendahan ang  National Internal Revenue Code of 1997 para baguhin ang tax brackets na magsisimula sa 2027. 

 

Mas mararamdaman anya ng mga manggagawa ang benepisyo ng Tax Reform For Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law kung babaguhin ang income tax brackets. 

 

Sa ilalim ng panukala ang mga indibidwal na kumikita ng hanggang P500,000 kada taon o mas mababa pa ay hindi na pagbabayarin ng income tax; habang ang mga kumikita ng higit sa nasabing halaga ay papatawan ng mas mababang buwis kumpara sa kasalukuyang rate.

About The Author