![]()
Generally peaceful ang naging pagdiriwang ng 40th anniversary ng EDSA People Power Revolution, ayon sa PNP.
Sa kabila ito ng pag-aresto sa dalawang raliyista matapos hagisan ng mga bato ang mga pulis at nagdulot ng gulo sa Southbound Lane ng EDSA patungong EDSA Shrine kahapon.
Nilinaw ni Police Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., acting director ng PNP directorate for operations, na hindi hinarangan ng mga awtoridad ang mga nagra-rally, kundi inaayos lamang nila ang trapiko upang maiwasan ang pagsisikip ng mga sasakyan sa kalsada.
Nahaharap ang isang lalaki at isang babae sa mga kasong direct assault, resistance and disobedience to a person in authority, alarm and scandal, violation of the public assembly act.
Samantala, tatlong pulis naman ang nasugatan sa naturang insidente, na pawang nagtamo ng minor injuries, gaya ng gasgas, kalmot, at pasa.
