![]()
Mahigit 35,000 na mga sasakyan ang nadagdag sa mga lansangan sa Pilipinas noong Enero.
Batay sa datos mula sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at ng Truck Manufacturers Association (TMA), mayroong 35,053 units na naibenta noong unang buwan ng 2026.
Ang latest sales ng CAMPI at TMA, ay mas mababa ng 21.4% mula sa 42,870 units noong Disyembre, at 10.2% na mas mababa rin mula sa 37,504 units noong January 2025.
Malaking bahagi ng sales o 81.67% ay binubuo ng commercial vehicles habang 18.33% o 6,178 units ay passengers cars.
