![]()
Naobserbahan ang pag-agos ng lava sa Basud, Bonga, at Mi-isi Gullies, na may kasamang minor ash emissions sa Mayon Volcano sa Albay.
Ayon sa PHIVOLCS, dalawang volcanic earthquakes, 340 rockfalls at tatlong pyroclastic density current signals din ang naitala.
Nakita rin ang “fair” crater glow sa Bulkang Mayon na nananatili sa alert level 3.
Kahapon ay iniulat din ng PHIVOLCS na 2,504 tonnes ng sulfur dioxide ang inilabas ng Mayon Volcano.
