![]()
Dalawang taon matapos i-release, patuloy ang epekto ng “Multo” ng Cup of Joe sa mga listeners, makaraang tanghalin ito bilang Most-Streamed OPM Song sa Spotify.
Inanunsyo ng banda ang kanilang latest achievement sa Instagram, kasabay ng pagpapasalamat sa kanilang fans na tumulong para maabot ang panibagong milestone sa kanilang career.
Umabot na sa mahigit 516 million streams ang kantang “Multo” sa naturang music platform.
Unang ni-release ang track noong September 2024 at bahagi ito ng 2025 album ng banda na “Silakbo.”
Tumanggap din ito ng iba’t ibang awards noong nakaraang taon, gaya ng Song of the Year mula sa Inaugural Filipino Music Awards at Wishclusive Rock/Alternative Song of the Year.
