dzme1530.ph

TATLONG PRIORITY REFORM MEASURES, INAPRUBAHAN NG HOUSE COMMITTEE ON EDUCATION

Loading

Tatlong priority education reform measures na inakda ni Leyte 1st Dist. Rep Martin Romualdez ang inaprubahan ng House Committee on Basic Education. 

 

Una ang House Bill (HB) No. 5577 o Classroom-Building Acceleration Program Act, na nag-iinstitutionalize sa mekanismo para ang LGUs at private sector entities ay payagang mag-construct ng classroom sa koordinasyon ng DepEd. 

 

Sa EDCOM II report lumitaw na 165,000 classroom backlog o shortage sa bansa. 

 

Lusot na rin ang House Bill No. 4248, o Education Pathways Act, na magre-restructure sa post-Junior High School education sa two clearly defined tracks, ang University Preparatory Pathway under DepEd, at ang Technical-Vocational Pathway under TESDA. 

 

Ang bill na ito ay reaksyon sa 2022 World Bank report na mahigit 90% ng kabataang Pilipino edad 10 yrs old pababa ay hindi makabasa at makaunawa. 

 

At pampuno sa mga reportma ay ang HB No. 5103 na inakda ni Tingog Rep. Jude Acidre bilang chairman ng Committee on Higher and Technical Education. 

 

Ang House Bill No. 5103 ay nagbibigay ng temporary emergency powers kay Pangulong Marcos Jr. para sa mabilis na construction, rehabilitation, at repair ng mga silid aralan sa buong bansa, matapos ideklara ang national emergency in education infrastructure.

About The Author