dzme1530.ph

DEFENSE LAWYER NI EX-PRESIDENT  RODRIGO DUTERTE, TINAWAG NA KATAWA-TAWA NG PALASYO, MATAPOS AKUSAHAN SI PANGULONG MARCOS NA TINANGKANG I-NEUTRALIZE SI FPRRD AT LEGASIYA NITO!

Loading

Tinawag na “preposterous” o katawa-tawa ng malakanyang ang naging pahayag ni Atty. Nicolas Kaufman laban kay Pang. Bongbong Marcos Jr.

Banat ni Palace Officer Usec. Claire Castro, tila ang defense lawyer ni former President Rodrigo Duterte ang may cognitive impairment at hindi ang kliyente nito.

Inakusahan kase ni Kaufman si Pangulong Marcos Jr. Na hinangad nitong i-neutralize ang kanyang predecessor pati na ang legacy nito, sa pre-trial chamber ng International Criminal Court (ICC), kagabi, oras sa Pilipinas.

Ginawa ni Kaufman ang alegasyon sa kanyang opening statement sa confirmation of charges hearing laban kay Duterte, na sinampahan ng crimes against humanity kaugnay ng madugong war on drugs.

Sinabi ni Kaufman na nabigo si Marcos na tuparin ang pangako nito na hindi tutulungan ng kanyang administrasyon ang ICC, “in any way, shape or form.”

Idinagdag din ng defense counsel na iligal at biglang inilipad patungong the Hague ang dating pangulo.

Iginiit naman ni Duterte na inosente ito, ayon kay Kaufman, sa kabila ng mga reklamo, at matatag na pinaninindigan ang kanyang legasiya.

 

 

 

About The Author