dzme1530.ph

EDSA PEOPLE POWER ONE, ITINUTURING NA UNFINISHED REVOLUTION

Loading

UNFINISHED REVOLUTION pa ring maituturing ang EDSA People Power 1. 

 

Ito ang binigyang-diin ni Senador Bam Aquino kasabay ng pagdiriin na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtugon sa matitinding suliranin tulad ng korapsyon, abuso sa kapangyarihan, at hindi pagkakapantay-pantay.

 

Sinabi ni Aquino na kailangan pang kumpletuhin ang kwento ng EDSA People Power 1 dahil dapat  makita ang mga pangako ng EDSA. 

 

Ipinaalala rin ni Aquino ang “superpower” ng mga Pilipino — ang kakayahang magkaisa, magsakripisyo, at unahin ang bayan kaysa sa sarili — upang malampasan ang kasalukuyang mabibigat na hamon ng bansa.

 

Kinilala rin ni Aquino ang papel ng kabataan sa pagkondena sa flood control scandal, at sinabing sila ang nagpasimula ng online protests na humantong sa kauna-unahang Trillion Peso March noong Setyembre 21, 2025.

 

Binigyang-diin ni Aquino na ang EDSA Revolution ay hindi lamang para sa mga libro o bahagi lamang ng nakaraan ng bansa, kundi isang gabay at plano para sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino upang maiwasan ang mga pagkakamali ng nakaraan at mapaghandaan ang mga hamon ng hinaharap.

About The Author