![]()
POSITIBO ang naging resulta ng pakikipagpulong ni Senate Committee on Foreign Relations Chairman Erwin Tulfo at ni Ambassador to the Philippines Jing Quan.
Sinabi ni Tulfo na ang meeting ay isinaayos ni DFA Secretary Maria Theresa Lazaro sa gitna ng bangayan ng mga opisyal ng embahada at ng ilang senador.
Ayon kay Tulfo napagkasunduan nila na panatilihing bukas ang komunikasyon at palagiang magpulong sa halip na magbanatan sa social media.
Kinumpirma rin ng senador bukas ang China na lumagda sa binubuong code of conduct kaugnay sa West Philippine Sea bukod pa sa pagbuo ng kooperasyon sa posibleng pagpapatrolya sa karagatan.
Idinagdag ni Tulfo na tiwala siyang lalagda ang China sa Code of Conduct dahil kasama rin sila sa nagbibigay ng inputs.
