dzme1530.ph

MASUSUNGIT AT TAMAD NA EMPLEYADO, BAWAL SA SENADO

Loading

WALANG puwang sa Senado ang masusungit at tamad na empleyado.

 

Ito ang binigyang-diin ni bagong talagang Senate Secretary Mark Llandro ‘Dong’ Mendoza. 

 

Ipinaalala ni Mendoza na ang “public office is public trust” at anumang ginagawa nila sa Senado ay may epekto sa buhay ng mga Filipino.

 

Iginiit ng opisyal na dapat seryoso ang kanilang serbisyo subalit hindi naman dapat na parang laging may committee hearing. 

 

Binigyang-diin din ni Mendoza ang pangangailangan ng respeto sa bawat isa, panatilihin ang professionalism sa bawat sitwasyon at sundin ang kanilang mandato na may integrity at excellence.

 

Paalala pa ni Mendoza na ang paggawa ng tama ay hindi lamang magpapalakas sa Senado kundi magsisilbing proteksyon sa demokrasya.

About The Author