dzme1530.ph

EARLY 2028 BID NI VP SARA, TINAWAG NA MISGUIDED GAMBLE

Loading

Tinawag namang “misguided gamble” ng ekonomista at former Albay Cong. Joey Salceda ang early 2028 bid ni Vice President Sara Duterte.

 

Ayon kay Salceda, ang hakbang ay premature at unnecessary lalo pa at hanggang June 30, 2028 pa sa pwesto si PBBM.

 

Aniya, ang maagang deklarasyon ay malinaw na udyok ng “wrong political instincts at wrong timing” kaya nakakadismaya.

 

Inamin ng dating chairman ng house ways and means at appropriations panels na naging vocal siya noong 2022 para kay sara na tumakbong presidente, pero nag-settle lamang sa Vice President at nanalo.

 

Pero ang presidential bid aniya ay higit na malakas kung ito ay may public clamor, at taumbayan mismo ang nag proklama at hindi lang early positioning.

 

Ang anunsyo para sa presidential bid ni Duterte ay sa harap ng kinakaharap nitong multiple impeachment complaints sa kamara, at kaganapan sa ICC kung saan nakakulong ang ama nito dahil sa kasong crimes against humanity.

About The Author