dzme1530.ph

BULTO NG MGA PROYEKTO NG DE LEON-OWNED CONSTRUCTION, ITINAYO SA DISTRITO NI ANTIPOLO REP. RONNIE PUNO

Loading

Nakuha ng construction company na nakarehistro sa pangalan ng pamilya ng professional volleyball player na si Bea De Leon ang mga proyektong nagkakahalaga ng 2.2 billion pesos, simula 2017 hanggang 2026, sa Unang Distrito ng Antipolo City.

 

Nangyari umano ito sa panunungkulan ng tatlong miyembro ng pamilya Puno sa House of Representatives.

 

Sa kasalukuyan ay kinakatawan ni Deputy Speaker Ronnie Puno ang 1st District na dating kinatawan nina Roberto Puno mula 2019 hanggang 2025 at Cristina Roa-Puno mula 2016 hanggang 2019.

 

Sa datos mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Transparency Portal, nakakuha ang Bell Construction na nakarehistro sa pangalan ni Elmer De Leon, ama ni Bea, ng kabuuang 57 infrastructure projects sa Antipolo 1st District.

 

Sa naturang projects na ipinatutupad ng Rizal 1st Engineering Office, 34 ay natapos na habang 23 ang nakabinbin pa o kasalukuyan pang ginagawa.

 

Kinabibilangan ito ng road works, flood control at drainage systems, at pagtatayo ng mga pampublikong gusali at pasilidad.

About The Author