dzme1530.ph

SEN. GO AT PADILLA, NANINDIGAN NA HINDI NILA IIWAN ANG MINORYA

Loading

Matapos ibunyag ni Senate President Vicente Tito Sotto III na may mga miyembro ang Senate Minority bloc na hinihikayat nilang tumawid sa kanilang bloke, nanindigan sina Senador Christopher Bong Go at Senador Robin Padilla na hindi nila iiwanan ang minorya.

 

Bago mag-adjourn ang sesyon kagabi, nag-pose ang dalawang senador ng Duterte signature fist bump at itinaas ang papel na may nakasulat na ‘Duterte bloc kami. Kayo na lang ang sumama!’.

 

Sinabi pa ni Go sa kanyang Facebook post na ‘Solid Duterte kami! kahit tatlo na lang kami maiwan.’ 

 

Idinagdag pa ni Go na dapat ay magtrabaho na lang at magserbisyo kaysa unahin ang pamumulitika.

 

Ipinakita rin ni Go sa kanyang post ang video na isinusulat niya ang kanilang mensahe kasama si Padilla.

About The Author