dzme1530.ph

PANGULONG BONGBONG MARCOS JR., IMMUNE SA PANIBAGONG IMPEACHMENT HANGGANG ENERO SA SUSUNOD NA TAON

Loading

Immune sa panibagong impeachment complaint si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. hanggang January 27, 2027. 

 

Ayon kay Batangas Rep. Gervile Luistro, chairperson ng Committee on Justice, ito’y matapos pagtibayin ang committee report na nag-basura sa dalawang impeachment complaint na ipinagharap laban sa Pangulo. 

 

Pahayag ni Luistro, wala namang nagbago sa “Francisco ruling” at sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema. 

 

Malinaw pa rin na ang “initiation” ay nagsisimula kapag nai-refer na sa Committee on Justice ang isang impeachment complaint. 

 

Ang dalawang complaint laban sa Pangulo, ay magkasunod na nai-refer ng plenary sa Justice Committee noong January 26, 2026 na siya ring simula ng one-year bar rule sa impeachment. 

 

Ang dalawang reklamo ay kapwa dinismis matapos ideklara na insufficient in substance ng House Committee on Justice.

About The Author