dzme1530.ph

SENADOR PANGILINAN AT CAYETANO, NAGKAINITAN SA DEBATE

Loading

Nagkataasan ng boses sina Senator Kiko Pangilinan at Senator Alan Peter Cayetano sa debate ukol sa resolution number 256 na kumukondena sa mga banat ng Chinese Embassy sa mga opisyal ng bansa. 

 

Nagtalo ang dalawa ng ungkatin ni Cayetano ang paglabas ni Philippine Coast Guard Spokesperson Jay Tarriela ng caricature ni Chinese President Xi Jinping na itinuturing niyang kabastusan, mali at hindi opisyal na pahayag ng gobyerno.

 

Sinabi ni Cayetano na nang  bumuwelta ang Chinese Embassy kay Tarriela, gusto naman ng buong senado sa pamamagitan ng isang resolusyon na rumesbak sa Chinese Embassy, at kapag hindi umayon dito ay tatawaging Chinador.

 

Nanindigdan naman si Pangilinan na hindi nagkamali si Tarriela sa kanilang tingin at hindi iyon ilalagay sa resolusyon. 

 

Bukod dito, iginiit ni Pangilinan na ginawan din ng Chinese State Media ng caricature si Pangulong Bongbong Marcos.

 

Sunod na nagtalo ang dalawa nang tanungin ni Cayetano si Pangilinan kung anong statements ng China na kinukondena sa resolusyon at nairita ng igiit na i-research na lang. 

 

Dito na nag kataasan ng boses na nauwi sa  sapawan sa pagsasalita ng dalawa. 

 

Nagsulong din ng point of order si Cayetano kaya’t gumitna si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kung ano ang point of order pero lalo pang uminit ang debate, kaya sinuspinde ang sesyon.

 

Pagbalik sa sesyon, napagkasunduan ng mga senador na i-amend ang resolusyon at ilagay dito ang statements ng embahada na hinahanap ni Cayetano.

About The Author