![]()
Sa mga opisyal at institusyon ng Pilipinas na naninindigan sa soberanya at maritime rights.
Ito ay matapos ang mahabang debate at deliberasyon sa plenaryo.
Sa pag-adopt sa resolusyon, walang tumutol o umalma.
Ang adoption ay matapos ang halos tatlong oras na interpelasyon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano kay Senator Kiko Pangilinan na nag-sponsor ng resolusyon.
Noong nakalipas na linggo pa dapat iaadopt ang resolution subalit hinarang ng Senate Minority Bloc sa pamamagitan ng mahabang mga debate.
Ang resolusyon ay nilagdaan ng 15 Senador kung saan sinasabing ang mga pananalita na ginamit ng Chinese Embassy laban sa ilang opisyal ng bansa ay malayo sa restraint, courtesy at responsibility na inaasahan sa mga diplomatic communications.
