![]()
Aarangkada na muli ngayong araw na ito ang voter registration sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM para sa November 26 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Nanawagan ang Commission on Elections sa mga kwalipikadong botante na magtungo sa kanilang mga satellite registration centers para magparehistro.
Tiniyak ng COMELEC na tatanggap sila ng aplikasyon para sa registration mula 8am hanggang 5pm mula Lunes hanggang Sabado.
Saklaw ng barmm ang mga lalawigan ng Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan, Tawi-Tawi at Special Geographical Areas (SGA).
