dzme1530.ph

LIMANG ARTICLES OF IMPEACHMENT LABAN KAY PANGULONG BONGBONG MARCOS JR., BINUSISING MABUTI NG HOUSE PANEL

Loading

Bagaman at mamaya pa ang takdang botohan para sufficiency in substance ng Atty. Andre de Jesus impeachment complaint sa House Committee on Justice.

 

Naghayag na ng kanyang boto si House Deputy Minority Leader at Quezon City Rep. Jesus Bong Suntay.

 

Ayon kay Suntay na isang abogado, binusising mabuti ng komite ang limang Articles of Impeachment o alegasyon, nang hindi pa tinitingnan ang bigat ng ebidensya at katotohanan ng paratang.

 

Aniya, kung ang mga ihaharap ay pawang general allegations, legal conclusions, o balitang walang sapat na factual foundations, klaro sa kanya na hindi ito papasa sa hinihinging pamantayan ng batas.

 

Pagdidiin pa ni Suntay, ang Konstitusyon ay hindi sinusukat sa ingay ng opinyon, kundi batas, ebidensya, at due process na patuloy niyang igigiit kahit na sa lahat ng impeachment complaint na kanilang tatalakayin.

About The Author