dzme1530.ph

TROPICAL DEPRESSION BASYANG, BUMILIS HABANG NAPANATILI ANG LAKAS; SIGNAL NO. 1, NAKATAAS SA ILANG BAHAGI NG SURIGAO DEL SUR

Loading

Bumilis ang Tropical Depression Basyang patungong kanluran timog kanluran habang napanatili ang kanyang lakas.

 

Huling tinaya ng PAGASA ang sentro ng bagyo, kaninang 4 am, 895 kilometers hilagang silangan ng Mindanao.

 

Taglay ni Basyang ang lakas ng hanging aabot sa 55 km/h at pagbugso na hanggang 70 km/h habang kumikilos sa bilis na 20 km/h.

 

Nakataas ang signal no. 1 sa southern portion ng Surigao del Sur (Cagwait, Marihatag, San Agustin, Barobo, Tagbina, Hinatuan, Bislig City, Lingig, at Lianga).

 

Samantala, trough ng Tropical Depression Basyang ang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Eastern Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region.

 

Makararanas ang Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at Aurora ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan bunsod ng amihan.

 

Amihan din ang magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang mahihinang pag-ulan sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng Luzon.

 

Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas din bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan o pagkulog at pagkidlat bunsod ng localized thunderstorms. 

 

Sumikat ang araw kaninang 6:24 am at lulubog mamayang 5:56 pm

About The Author