![]()
Mismong si Rep. Leila de Lima ng Party List Mamamayang Liberal ay naniniwala na kulang sa sustansya ang isang impeachment raps ni Pangulong Marcos Jr.
Si de Lima na kritiko ng admistrasyong Marcos ay kumbinsido na ang alegasyon ng kidnapping kay former President Rodrigo Duterte at ang drug addiction umano ng Pangulo ay kulang sa sustansya at standard salig sa House rules.
Paliwanag nito, sa ganitong stage ng imbestigasyon limitado pa lamang sa pagdetermina kung ang reklamo ay naabot ang threshold ng sufficiency, at hindi pa kung ito ba ay totoo, credible, o suportado ng conclusive evidence.
Sinusugan din ni House Senior Deputy Majority Leader Lorenz Defensor ang prinsipyong inilatag ni de Lima.
Giit ni Defensor, ang komite ay duty-bound na suriing mabuti ang laman ng reklamo, sa halip na alegasyon lamang.
Bukod kina de Lima at Defensor, sangayon din dito sina Reps. Terry Ridon, Joel Chua, Rufus Rodriguez, Brian Poe, JP Padiernos, Bong Suntay, Mauricio Domogan, at Jose Pipito Alvarez.
