dzme1530.ph

PAGBASURA SA TATLONG TAX COMPLAINTS LABAN SA MGA DISCAYA, HINDI MAKAAAPEKTO SA FLOOD CONTROL CASES, AYON SA DOJ

Loading

Hindi makaaapekto sa flood control cases ang pagbasura sa tatlong tax complaints laban sa mga Discaya, ayon kay Justice Spokesperson Polo Martinez.

 

Ipinaliwanag ni Martinez na walang kinalaman ang isyu ng tax liabilities ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa anumang pananagutan nila sa iba pang pending na flood control cases.

 

Sinabi ni Martinez na dinismis ng DOJ Panel of Prosecutors ang tatlong excise tax complaints na inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa Discaya couple dahil sa iba’t ibang luxury vehicles, matapos matuklasan na hindi sila statutory taxpayers.

 

Una nang inihayag ni Martinez na ang excise taxes ay sagot ng importer.

About The Author