dzme1530.ph

PUBLIKO, PINAYUHANG HUWAG MAGPALINLANG SA LOVE SCAMS NGAYONG LOVE MONTH

Loading

Ngayong papalapit ang valentine’s day, marami ang sabik na mahanap na ang kanilang “the one.”

 

Gayunman, nagbabala ang mga otoridad na bagaman walang masama sa ma-inlove, kailangang mag-ingat sa mga love scam dahil hindi lang ito masakit sa puso kundi nakakaubos din ng laman ng wallet.

 

Tinukoy ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang ilang karaniwang uri ng love scammers na ang target ay mga Pilipino.

 

Kabilang dito ang “sad boy, sad girl” na ang istilo ay kunin ang simpatya ng biktima sa pamamagitan ng malungkot na kwento hanggang sa kalaunan ay manghihingi na ng pera.

 

Mayroon ding mga gumagamit ng “too good to be true” na profile photo, na karaniwan ay ninakaw mula sa iba, saka aakitin ang biktima hanggang sa hingian ito ng intimate photos na gagamitin sa pamba-blackmail.

 

Batay sa datos mula sa CICC, mahigit isanlibong pinoy ang nabiktima ng love scams noong nakaraang taon, kung saan pinakamarami ang naitala sa Metro Manila.

About The Author