dzme1530.ph

SUSPENSYON NI CONG. KIKO BARZAGA, TAPOS NA

Loading

“Congress-meow is back.”

 

‘Yan ang pahayag ni Cavite 4th Dist. Rep. Francisco “meow meow” Barzaga matapos mag lapsed ang 60-days suspension na ipinataw

 

Sa return speech nito sa kanyang social media page, pagsusulong ng iba’t ibang panukala na may impact sa taumbayan ang kanyang aatupagin.

 

Kabilang dito ang panukala para sa VAT abolition, at Absolute Divorse para sa mga biktima ng pang-aabuso sa mga relasyon.

 

Isusulong din nito ang Travel Disclosure Bill, o pag-obliga sa lahat ng gov’t officials na isapubliko ang detalye ng kanilang byahe sa abroad.

 

Paliwanag nito, ito’y para hindi na maulit ang pagtakas ng mga kurap na opisyal, at National Minimum Wage at Provincial rates.

 

Bagaman at tapos na ang 60-day suspension nito, sinabi ng mambabatas na sa susunod na linggo pa siya papasok sa Kamara.

 

Ibig sabihin, walang plano si meow Barzaga na siputin ang hearing ng Committee on Ethics mamayang ala una ng hapon.

About The Author