dzme1530.ph

IMPEACHMENT COMPLAINTS LABAN KAY VP SARA, WALANG FACTUAL AT LEGAL BASIS, AYON SA KANYANG DEFENSE TEAM

Loading

Itinuturing ng defense team ni Vice President Sara Duterte na walang factual at legal basis ang mga impeachment complaints na inihain laban sa kanya.

 

Ayon kay Atty. Michael Poa, legal counsel ni VP Sara, hindi na sila nagulat sa paghahain ng mga reklamo kasabay ng pagbibigay-diin na ang impeachment ay isang constitutional process na dapat nakabatay sa ebidensya at due process.

 

Tiniyak ni Poa na handa silang sagutin ang mga alegasyon sa pamamagitan ng tamang constitutional processes. 

Kumpiyansa rin ang abogado na sa pamamagitan ng fair and impartial review makikita na ang mga alegasyon ay walang sapat na basehan. | via Dang Garcia

About The Author