![]()
Muling pinangunahan ng grupong nag-file ng unang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ang panibago o ikalawang impeachment raps laban dito.
Labing pitong (17) complainants ang tumungo sa kamara upang muling iimpeach ang pangalawang pangulo.
Ang mga complainants ay sina Francis Joseph Aquino Dee, Sylvia Estrada Claudio, Teresita Quintos Deles, at Leah Navarro ng tindig Pilipinas.
Kasama rin sina Eugene Gonzales ng Magdalo Party, Fr. Flaviano Villanueva SVD, Fr. Robert Reyes, Josua Mata ng Nagkaisa Labor Coalition, Sr. Susan Esmile ng SFIC, Karl Patrick Suyat, Matthew Christian Silverio, Student Council Alliance of the Phils at Youth Against Kurakot, Teodoro Baguilat ng Liberal Party, Yzekiel Venn Rivera ng UP Alyansa, Anna Cubacob, Pantay ang Babae at Akla Kontra Korap, at sina Alice Murphy at Rowena Amon, Kapwa Urban Poor Leaders.
Kabilang sa limang articles of impeachment ang sinumpaang salaysay ni Former VP Duterte Aide na si Ramil Madriaga, na nagsabing inutusan siya ni Sara na dalhin ang malaking halaga ng confidential funds sa security aide nito.
Kasama rin ang pahayag ni Madriaga na ang 2022 campaign funds ni Sara ay pinondohan ng drug money at pogo operators.
naniniwala ang mga complainants na kailangang imbestigahan nang mabuti ang mga testimonya ni Madriaga.
Naging endorser ng impeachment complaint na ito sina Rep. Percival Cendana ng Akbayan Party List at Rep. Leila De Lima ng ML Party List.
10:12 ng umaga, pormal na tinanggap ni House Secretary General Atty. Cheloy Garafil ang articles of impeachment ng tindig Pilipinas.