![]()
Isinusulong ni House Majority Floor Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na amyendahan ang 4Ps Law.
Sa report ni Cong. Marcos kay House Speaker Faustino Bojie Dy III, kailangang i-consolidate ang siyam (9) na panukalang batas na pawang pag-amyenda sa sections 2, 3, 7, 10, 11, at 12 ng ra no. 11310 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act.
Objective ng panukala na madagdagan ang pondo para sa 4ps grants para sa edukasyon, health care at nutrisyon.
Todo suporta naman ang House Committee on Appropriations para maibigay ang budgetary requirements ng panukala.
Paliwanag ni Marcos, nais niyang mas palakasin ang social protection para sa mga low-income households.
