dzme1530.ph

DEATH TOLL SA LUMUBOG MV TRISHA KERSTI, SUMAMPA NA SA 40; TATLO PANG LABI, NATAGPUAN SA BASILAN

Loading

Sumampa na sa 40 ang bilang ng mga nasawi sa lumubog na M/V Trisha Kerstin 3, matapos marekober ang tatlo pang mga labi sa katubigan ng Basilan.

 

Na-retrieve ng Philippine Coast Guard (PCG) ang katawan ng tatlong biktima matapos matagpuan ng Hadji Muhtamad Local Government, kahapon.

 

Sa social media post, sinabi ng PCG na narekober ang dalawang bangkay mula sa Baluk-baluk Island, habang ang isa pa ay nakita malapit sa Lantawan Island.

 

Kinumpirma rin ng pcg na kabilang sa mga labi na narekober sa Baluk-baluk ay kay Coast Guard Seaman First Class Alkhaizar Hadjail.

 

January 26 ng madaling araw nang lumubog ang RoRo passenger ferry sa Basilan habang patungong Jolo, Sulu. 

About The Author