dzme1530.ph

SAMPUNG LUXURY VEHICLES NG MGA DISCAYA, ISUSUBASTA NG BOC SA FEB. 11

Loading

Muling magsasagawa ang Bureau of Customs (BOC) ng public auction para sa mga kinumpiskang luxury vehicles ng pamilya Discaya sa Feb. 11, araw ng Miyerkules.

 

Ayon sa BOC, sampung sasakyan ang isusubasta, sa boc Office sa Port of Manila, sa ganap na alas diyes ng umaga.

 

Kabilang sa mga i-o-auction ang Blue Bugatti Chiron 2017 at Red Bugatti Chiron 2019.

 

Magkakaroon din ng public viewing para sa mga isusubastang sasakyan simula Feb. 5 hanggang 6.

 

Noong Nobyembre ay tatlo mula sa pitong luxury vehicles na pag-aari ng mga Discaya ang nabili sa public auction.

About The Author