dzme1530.ph

HEARING SA DALAWANG IMPEACHMENT COMPLAINTS LABAN KAY PBBM, SISIMULAN MAMAYANG ALAS DIYES NG UMAGA

Loading

Alas diyes ngayong umaga sisimulan ng House Committee on Justice ang unang hearing sa dalawang impeachment complaint na kinakaharap ni Pres. Ferdinand Marcos Jr.

 

Una nang sinabi ni Committee on Justice Chairperson, Batangas Rep. Gerville Luistro na kailangang i-consolidate muna ang dalawang impeachment complaint.

 

Kasunod nito ang pagdetermina kung ito ay sufficient in form, at kung sufficient in substance.

 

Kabilang sa mga inabisuhan ng komite para dumalo sa hearing ay ang mga endorsers ng dalawang reklamo.

 

Ang unang complaint ay na-filed noong January 19, 2026 at si Atty. Andre De Jesus ang complainant, na inendorso naman ni Pusong Pinoy Party List Rep. Jernie Nisay.

 

January 26, 2026 naman pormal na na-filed ang second complaint ng aktibistang grupo at private individuals sa pangunguna nina Liza Maza, Teodoro Casino, Renato Reyes, Atty. Neri Colmenares at labor leader Ronaldo Adonis.

 

Sina Reps. Antonio Tinio ng ACT Teacher’s, Sarah Jane Elago ng Gabriela, at Renee Co ng Kabataan Party Lists ang mga endorsers.

About The Author